!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
PBS Strategic Initiative Plan para sa 2020 – 2022, tinalakay
By Diane Lear - November 9, 2019 , 1:40 pm

Tinalakay sa huling sesyon ng 2019 PBS Leaders Summit ang magiging takbo ng Philippine Broadcasting Service (PBS) sa susunod na tatlong taon.

Sa presentasyon ni PBS Director Rizal Giovanni Aportadera, Jr., inilatag nito sa 70 PBS station managers nationwide ang plano para sa mga istasyon ng Radyo Pilipinas. Ang flagship station na Radyo Pilipinas 1 ay tututok sa mga balita at programa ng gobyerno. Ang Radyo Pilipinas 2 naman ang istasyon na tututok sa sports at magazine.

Magkakaroon din ng pagbabago sa Radyo Pilipinas Worldwide, na nakatakdang maglunsad ng programa na magbibigay ng full online service para sa mga OFW. Habang ang mga istasyon sa probinsya ang tututok sa mga balita tungkol sa mga lokal na pamahalaan.

Binigyang-diin ni Aportadera na dapat tutukan ang mandatong gumawa ng mga balita tungkol sa mga programa ng gobyerno. Imbes na tutukan ang daw ang kritisismo, dapat ay tulungang depensahan ang gobyerno sa pamamagitan ng mga balita tungkol sa inisyatibo ng pamahalaan.

Hinikayat rin ni Aportadera na dapat magtulungan ang mga sangay na ahensya ng Presidential Communications Operations Office (PCOO), na PTV, PNA at PIA sa pamamagitan ng news information integration.

Ang dalawang araw na 2019 PBS Leaders Summit ay nagtapos kahapon na ginanap sa Verjandel Hotel, Quezon City.

YOU MIGHT ALSO LIKE