PhilHealth SVP Augustus de Villa, nagbitiw na sa pwesto
By Nimfa Asuncion - August 6, 2020 , 7:08 pm

Isang mataas na opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) ang nagbitiw sa pwesto sa gitna ng imbestigasyon sa diumano’y mga anomalya at korapsyon sa ahensya.

Ngayong araw, magsumite ng kanyang resignation letter si Philhealth Senior Vice President Augustus de Villa.

Isa si de Villa sa mga resource person na personal na dumalo sa naging pagdinig ng Senado nitong Martes.

Sa kanyang resignation letter, tiniyak ni de Villa na patuloy siyang makikibahagi sa mga pagdinig na ginagawa ng Senado at Kamara.

Para kay Senate President Vicente Sotto III ay mayroong magandang rason si de Villa sa pagbibitiw niya sa pwesto.

Sinabi naman ni Senador Francis Pangilinan na dapat na ring sumunod sa yapak ni de Villa ang iba pang senior executives ng PhilHealth.

Umaasa naman si Senador Panfilo Lacson na makikiisa na ngayon si de Villa sa advocacy group na magsisiwalat ng mga kalokohan sa loob ng ahensya.

YOU MIGHT ALSO LIKE