Pilipinas, nakapagtala na ng unang kaso ng Omicron subvariant na BA.4
By Jaymark Dagala - May 21, 2022 , 4:14 pm

Kinumpirma ng Department of Health o DOH na may namataan silang kaso ng Omicron Subvariant ng COVID19 na BA.4.

Batay sa impormasyon mula sa DOH, nakita ito sa isang Pinoy na nagmula sa Middle East noong Mayo 4.

Lumabas ang resulta ng kaniyang positive result na nakuha sa kaniya nuong Mayo a-8 at siya nama’y asymptomatic.

Itinuturing na variant of concern ng European Centre for Disease Prevention and Control ang Omicron subvariant na BA. 4 na sinasabing mas mabilis kumalat. 

May kakayahan din ito na sapilitang pumasok sa immune system ng isang tao kahit na siya’y bakunado na kontra sa virus. 

Dahil dito, pinangangambahan ang pagkakaroon ng panibagong surge o pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Nakikipag ugnayan na ang DOH sa mga lokal na pamahalaan upang palakasin ang kanilang vaccination at booster drive upang maiwasan ang muling pagsisikip ng mga ospital. 

YOU MIGHT ALSO LIKE