!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
PNP Maritime Group, tumutulong sa pagligtas ng mga hayop sa volcano island  
By Leo Sarne - January 15, 2020 , 3:48 pm

Tumutulong na rin ang Philippine National Police (PNP) Maritime Group sa pagligtas ng mga hayop na naiwan sa volcano island nang magsilikas ang mga residente.

Ito ang inihayag ni Batangas Police Provincial Director Col. Edwin Quilates matapos na iligtas ng PNP Maritime Group ang isang umano’y volunteer group na na-trap sa volcano island kaninang umaga habang tinatangkang magligtas ng mga inabandonang hayop.

Nagpakilala umano ang grupo na mga miyembro ng PETA o People for the Ethical Treatment of Animals.

Paalala ni Quilates sa mga grupong nais na tumulong, huwag basta-basta pumasok sa danger zone nang walang tamang koordinasyon sa mga awtoridad.

Ayon kay Quilates ongoing pa rin ang evacuation sa mga residente sa loob ng danger zone, at hindi basta-basta pinapayagan ang mga residente na bumalik pa sa kanilang tahanan.

Inihayag ni Quilates na pinapayagan nila ang ilang residente na mabisita ang kanilang mga bahay ng dalawang oras lang at kapag lumagpas sila sa dalawang oras ay dadamputin na sila ng mga pulis.

Ipinapatupad din ng PNP ang chek-in at check-out sa sa mga residente na sumisilip sa kanilang mga bahay.

YOU MIGHT ALSO LIKE