Power restoration activities sa Batangas, tuloy-tuloy nang ginagawa – NGCP
By Rey Ferrer - January 15, 2020 , 5:30 pm

Nasa kahabaan na ng Talaga at Bañadero, Tanauan Batangas ang mga linemen ng Batangas Electric Cooperative (BATELEC) 2, para sa tuloy-tuloy na paglilinis sa mga insulator ng linya ng kuryente.

Base sa ulat ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), nasa 5,700 na bahay na sa Sta. Teresita at ilang bahagi ng San Luis na sinusuplayan ng BATELEC 1 ang naibalik na ang suplay ng kuryente.

Maging ang 9,879 household sa Calaca at Lemery ang fully restored na rin ang suplay ng kuryente.

Nananatili pa ring walang suplay ng kuryente ang 12,850 kabahayan sa San Nicolas at Agoncillo.

Ayon pa sa NGCP, may 15,512 na kabahayan sa Tanauan City, na sinusuplayan ng BATELEC 2 ang partially energized na sa ngayon.

Abot pa sa 16,286 household sa Talisay at Laurel ang wala pa rin suplay ng kuryente at kailangan pang humingi ng permiso ang National Electrification Administration (NEA) sa Local Government Units (LGUs) para mapasok ang mga lugar, bago simulang ayusin ang mga nasirang linya ng kuryente at equipment.

Nasira ang mga linya ng kuryente at pasilidad dahil sa pagbagsak ng ashfall sa patuloy na pag-aalburoto ng bulkang Taal.

YOU MIGHT ALSO LIKE