Publiko di dapat makampante, kahit bumaba na ang COVID cases sa NCR
By Julius Gonzales - January 27, 2022 , 4:42 pm

Hindi dapat makampante ang publiko kahit bumaba na ang kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).

Binigyang diin ni Dr. Jomar Rabajante ng UP Covid-19 Pandemic Response Team, na nagbago na ng estratehiya ang Departmen of Health (DOH) hinggil sa kung sino ang dapat sumalang sa testing.

Sa kabila nito, ay magandang development umano ang pagbaba ng positivity-rate at hospitalization rate lalo na sa NCR.

Sa ngayon, ay may mga rehiyon sa bansa na dapat tutukan dahil sa pagtala ng mataas na kaso, tulad ng Central Visayas at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ayon pa  kay Dr. Rabajante, hindi aniya sabay-sabay ang pagkalat ng COVID-19, nauna ang NCR, Region-4, Region-3, Region 4-A at ngayon ay nasa Visayas Region.

Dagdag pa ni Dr. Rabajante, na tumataas din ang hospitalization rate at konti rin ang ICU-capacity sa mga nabanggit na rehiyon. 

YOU MIGHT ALSO LIKE