!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
PUIs sa COVID-19, 455 na — DOH
By Julius Gonzales - February 14, 2020 , 4:17 pm

Sa pinakahuling briefing sa Department of Health (DOH) na pinangunahan ni Health Assistant Secretary Maria Rosario Vergeire, bahagyang gumalaw ang bilang ng Patients Under Investigation o PUIs, na umabot na ng 455 matapos madagdagan ng apat ngayong araw, mula sa 441 kahapon.

Umabot naman sa 191 ang na-admit sa ospital at 260 naman ang nailabas na sa mga ospital sa iba’t ibang panig ng bansa, at 386 naman ang nag-negatibo sa Corona Virus Disease-19 (COVID-19).

Ang bilang naman ng mga naghihintay pa ng resulta ay 66, habang wala pa ring naitala ang DOH na local transmission sa COVID-19, at nananatili pa rin sa 3 ang confirmed cases, 2 ang gumaling na at isa ang naitalang mortality.

Sa contact tracing, ay nasa 267 ang natukoy ng DOH, 218 na ang na-interview, habang 15 ang sumailalim sa home-quarantine.

Samantala, may naitalang isang mortality ang DOH na kinumpirma ni Usec. Vergeire, ngayong araw. Ito ay isang 71 taong gulang na lalaki, mula sa Region-1 sa La Union, na nakitaan ng sintomas ng COVID-19, subalit nag-negatibo ito at nalaman sa findings na acute myocardial infraction o vascular attack ang ikinamatay ng pasyente.

Ang naturang pasyente ay may travel history galing sa Taiwan, subalit negatibo ito sa COVID-19.

Samantala, sa update naman sa New Clark City Quarantine Facility, walang na-monitor ang DOH na respiratory symptoms mula sa mahigit 30 Pinoy na naka-quarantine doon mula sa Wuhan, China, base sa kanilang dalawang beses na check-up sa mga repatriate sa naturang pasilidad.

HAPPENING NOW: Press Briefing on the COVID-19.

Posted by Department of Health (Philippines) on Thursday, February 13, 2020

YOU MIGHT ALSO LIKE