!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Sen. Cayetano sa pamahalaan: Mas paigtingin ang info drive ng immunization program
By Nimfa Asuncion - September 21, 2019 , 10:52 am

Hinihikayat ni Senator Pia Cayetano ang mga opisyal ng pamahalaan na mas paigtingin pa ang mga ginagawang hakbang upang makumbinse ang mga ina na pabakunahan ang kanilang mga anak.

Sinabi ito ni Cayetano, matapos ianunsyo ng Department of Health (DOH) ang pagkakaroon ng Polio epidemic sa bansa.

Giit ni Senator Cayetano, nakakaalarmang nawala na sa Pilipinas ang Polio-free status na idineklara ng World Health Organization (WHO) noong taong 2000.

Hinimok rin ni Cayetano ang DOH at ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan, na magsagawa ng information drive upang maisulong ang immunization program ng gobyerno.

Si Cayetano ang principal author at sponsor ng Republic act 10152 o Mandatory Infants and Children Immunization Act.

YOU MIGHT ALSO LIKE