!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Sen. Gatchalian: May mapagkukunan ng pondo para sa dagdag-sahod ng mga guro
By Nimfa Asuncion - September 12, 2019 , 8:41 pm

Nakahanap na si Senador Sherwin Gatchalian ng kailangang ₱54 billion para sa panukala niyang taasan ang sweldo ng mga guro.

Ayon kay Gatchalian, maaaring  hugutin ang pondong ito sa i-vineto na ₱95 billion na pork barrel fund ni Pangulong Rodrigo Duterte mula sa 2019 national budget.

Sa ilalim ng Senate Bill 178 na inihain ni Gatchalian, pinapanukalang itaas ng dalawang tranche ang Salary Grade ng mga public school teacher na may posisyong Teacher 1, 2 at 3 mula sa kasalukuyang salary grade 11, 12, at 13 sa salary grade 13, 14 at 15.

Katumbas yan ng dagdag na 4,478 pesos sa sahod ng mga Teacher 1, dagdag na 4,817 sa mga teacher 2 at 5,299 pesos na dagdag sa mga teacher 3.

Kapag napatupad ito, walumput tatlong porsiyento ng ating mga guro ang madadagdagan ng sahod.

YOU MIGHT ALSO LIKE