!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Sen. Lapid sa BSP: Pag-aralang mabuti ang planong taas singil sa ATM fees ng mga bangko
By Nimfa Asuncion - August 15, 2019 , 10:49 am

Nanawagan si Senador Lito Lapid sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na pag-aralang mabuti ang plano ng ilang bangko na taasan ang kanilang ATM fees.

Sa isang pahayag, sinabi ni Lapid na ang nakaambang na ATM fees hike ay magiging dagdag pasakit lamang lalo na sa mga manggagawang Pilipino, na kakaunti lang ang kita ay posibleng mabawasan pa.

Kung patuloy aniyang tataasan ang bayad sa simpleng pagwiwithdraw lang ng kanilang pera sa bangko, ay paano pa aniya mahihikayat ang mga ito na ilagak sa mga bangko ang kanilang pera.

Kaya naman hiling ni Lapid sa BSP, na sa pag-aaral sa usaping ito ay isaalang-alang ang kapakanan ng lahat ng mga maaapektuhan ng planong taas-singil.

Matatandaang nag-ugat ang isyu ng taas-singil sa ATM fees nang tanggalin ng BSP ang moratorium sa mga bangko nitong Hulyo 2019.

YOU MIGHT ALSO LIKE