!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Sen. Marcos, hinimok ang DTI na silipin ang presyo ng mga bilihin sa mga convenience store
By Nimfa Asuncion - September 10, 2019 , 3:30 pm

Pinapasilip ni Senator Imee Marcos ang mataas na presyo ng mga binebenta sa ilang convenience store sa bansa.

Ayon kay Marcos, tila kasi sinasamantala ng ilang convenience store at 24/7 outlets ang mga consumer sa pagpapataw ng mas mataas na presyo ng kanilang paninda sa Metro Manila, at sa mga kalapit na probinsya.

Hindi aniya makatarungan ang pagpepresyo ng mga ito ng higit sa suggested retail prices (SRPs) sa mga produktong itinuturong basic commodity, gaya ng noodles, canned goods, sabon at kape.

Dahil dito, dapat aniyang magdeploy ang Department of Trade and Industry (DTI) ng monitoring teams, na partikular na magsusuri sa mga convenience store na ito upang matigil na ang pagbebenta nila sa mataas na presyo.

Nangangamba si Marcos na hangga’t hindi ito natutugunan ng ahensya ay baka patuloy pang taasan ng mga negosyong ito ang kanilang presyo lalo na’t papalapit na ang kapaskuhan.

YOU MIGHT ALSO LIKE