!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Serbisyo ng PNR, planong i-extend hanggang Valenzuela City
By Racquel Bayan - August 15, 2019 , 9:59 am

Plano ng pamahalaan na buksan ang serbisyo ng PNR sa Valenzuela City, upang tumulong sa pagpapagaan ng trapiko sa Metro Manila.

Ayon kay PNR General Manager Jonn Magno, maglalagay sila ng tulay na magdudugtog sa Malabon at Valenzuela.

Sa kasalukuyan kasi, hanggang sa Governor Pascual lamang sa Malabon ang abot ng biyahe ng PNR. Kinakailangan pang sumakay ng jeep ng mga taga-Valenzuela patungong Malabon, upang sumakay ng PNR papuntang Makati City.

Sa oras na maisakatuparan ito, mula sa 3 oras ay magiging 55 minuto na lamang aniya ang biyahe mula Valenzuela hanggang Dela Rosa, Makati.

Sinabi ni Magno na pinag-aaralan na nila ang mga engineering obstacles para sa proyektong ito, at aabutin lamang ng nasa 30 hanggang 45 araw bago ito makumpleto, na target nilang maisakatuparan sa katapusan ng 2019.

YOU MIGHT ALSO LIKE