!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Sinibak na pulis dahil sa iligal na droga, umabot na sa mahigit 400 
By Leo Sarne - October 22, 2019 , 11:31 am

Simula ng pumasok ang Duterte administration noong July 2016 ay umabot na sa 454 na pulis ang nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga at sangkot sa transaksyon ng iligal na droga.

Ito ang inihayag ni Philippine National Police (PNP) Officer in Charge Lt. Gen. Archie Gamboa sa isinagawang Press Conference sa Camp Crame kahapon.

Aniya, batay sa kanilang datos simula July 2016 hanggang September 20, 2019, anim na Police Commissioned Officer, 336 na Police Non-Commissioned Officer (PNOC) at 10 Non-Uniformed Personnel ang napatunayang positibo sa paggamit ng iligal na droga na sa kabuuan ay aabot sa 352.

Habang apat na Police Commissioned Officer at 98 na PNCO ang napatunayang sangkot sa transaksyon ng iligal na droga.

Ayon kay Gamboa, ang mga pulis na ito ay na-dismiss na sa serbisyo at nahaharap sa kaso.

Tiniyak naman ni PNP OIC Gamboa na mas paiigtingin pa nila ang kanilang internal cleansing program.

YOU MIGHT ALSO LIKE