!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
SP Sotto: Bubusisiing mabuti ang naging paggasta sa pondo ng 30th SEA games
By Nimfa Asuncion - December 3, 2019 , 6:18 pm

Kahit pa nagpapahayag ng kasiyahan sa naging paghahanda ng bansa para sa hosting ng 30th South East Asian (SEA) games, tiniyak pa rin ni Senate President Vicente Sotto III na susuriin pa ring mabuti ang naging paggasta sa bilyong pisong pondong inilaan para sa naturang sporting event.

 

Ayon kay Sotto, kailangang iulat at idetalye ng mga organizer kung paano nila ginamit ang anim na bilyong pisong budget para sa SEA games.

Dapat aniyang ang Philippine South East Asian Games Organizing Committee (PHISGOC), Philippine Sports Commission (PSC) at Commission on Audit (COA) ang magsagawa ng naturang accounting.

Sinabi pa ng senate president, na maaari ring  tulungan ng Senate Finance Committee at ang House Appropriations Committee ang COA sa auditing ng pondo.

Giit ni Sotto, maaaring gawin ang accounting ng pondo sa pamamagitan ng isang legislative inquiry, public hearing o reporting basta’t ang mahalaga ay mayroong accountability.

YOU MIGHT ALSO LIKE