!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
SP Sotto sa NBI: Imbestigahan ang insidente ng pananaksak sa isang prison guard sa Bilibid
By Nimfa Asuncion - September 12, 2019 , 7:18 pm

Pinaiimbestigahan ni Senate President Vicente Sotto III sa National Bureau of investigation (NBI) ang insidente ng pananaksak ng isang inmate sa isang prison guard sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).

Pasado alas-8 ng umaga kanina nang saksakin si Deputy Officer Edgardo Ferrer ng isang bilanggo na mayroong sakit sa pag-iisip na schizophrenia.

Ayon kay Sotto, ang nasaksak na prison guard ay ama ng isang nagtatrabaho sa Senate Office of the Sergeant-At-Arms.

Dahil dito, hiling ng mga senador na magkaroon ng malalimang imbestigasyon sa insidente.

Sinabi naman ni Senador Richard Gordon na ayaw nilang isipin na may kinalaman ang insidente sa ginagawang pagdinig ng senado ngayon tungkol sa GCTA at iba pang anomalya sa Bilibid, kaya dapat magkaroon ng malalim at malinaw na preliminary investigation ang NBI.

Nangako naman si NBI Director Dante Gierran na makikipag-ugnayan sila sa Bureau of Corrections (BuCor) sa gagawin nilang imbestigasyon.

YOU MIGHT ALSO LIKE