!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Super Response Team, Project Usig, binuo upang labanan ang mga tiwaling opisyal ng pamahalaan
By Racquel Bayan - August 15, 2019 , 6:31 am

Nagsanib pwersa ang Presidential Anti Corruption Commission (PACC), Anti Red Tape Authority (ARTA) at 8888, upang mapaigting ang kampanya ng pamahalaan laban sa katiwalian at korapsyon.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni PACC Commissioner Greco Belgica na binuo na nila ang tinatawag na Super Response Team para sa pagtanggap ng reklamo ng korapsyon at katiwalian laban sa mga opisyal at kawani ng gobyerno at doon sa mga umaabuso sa kapangyarihan.

Samantala, sa ikakasa namang Project Usig ay makatutuwang nila ang National Bureau of Investigation (NBI), Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Anti-Money Laundering Council (AMLC) at National Intelligence Coordinating Agency (NICA) para magsagawa ng lifestyle check at mas malalim na imbestigasyon sa mga reklamo ng katiwalian at korapsyon laban sa mga opisyal ng gobyerno.

Posible aniyang abutin ng dalawa hanggang tatlong buwan ang panahong gugugulin ng imbestigasyon bago sila makapagpalabas ng rekomendasyon.

YOU MIGHT ALSO LIKE