!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Taal Volcano, patuloy ang pag-aalburuto
By Rey Ferrer - October 22, 2019 , 10:49 am

Hindi pa rin ligtas na puntahan at manatili sa paligid ng Taal Volcano sa Taal, Batangas.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nasa ilalim pa rin ng Permanent Danger Zone ang buong isla ng bulkan at hindi pinapayagan ang publiko na permanenteng manatili doon.

Sa nakalipas na ilang araw, naging consistent ang bulkang Taal sa pag-aalburuto.

Base sa pinakahuling monitoring ng Phivolcs sa loob ng 24 hours observation period, nakapagtala ito ng 65 volcanic earthquakes.

Sa isinagawang field measurement noong October  17 sa western sector ng main crater lake, nakitaan ang bulkan ng pagbaba ng water temperature, pagtaas ng water level at pagbaba ng acidity.

Nakitaan din ito ng pamamaga ng lupa base sa isinagawang ground deformation measurements sa pamamagitan ng precise leveling surveys.

Ayon pa sa Phivolcs, nanatiling nakataas ang alert level 1 sa Taal Volcano.

Kahapon naitala ang 45 volcanic earthquakes sa bulkan, 44 naman noong October 20, 26 noong October 19, at 34 volcanic earthquake noong October 18.

YOU MIGHT ALSO LIKE