Travel ban sa Taiwan, matatalakay sa Inter-Agency Task Force on COVID-19 meeting
By Racquel Bayan - February 14, 2020 , 3:24 pm

Ginaganap ngayong hapon ang pulong sa pagitan ng mga miyembro ng Inter-Agency Task Force on COVID-19 para sa Corona Virus Disease-19 (COVID-19), kung saan isa sa mga pinag-uusapan ay ang mga umiiral na travel ban ng Pilipinas.

Sa press briefing ng Laging Handa sa Malacañang, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III, na batid nila ang mga sentimyento ng mga OFW maging ng Taiwan government kaugnay sa travel ban ng Pilipinas.

Lahat aniya ay kanilang tatalakayin at ikokonsidera para sa magigng deliberasyon ng task force.

Umaasa si Secretary Duque, na makapaglalabas sila ng consensus, hindi lamang sa pagkakainvolve ng Taiwan sa travel ban, bagkus ay maging ang pagkakaroon ng parameters o criteria sa pagsasama o pagaalis ng mga lugar o bansa sa listahan ng travel ban ng Pilipinas.

Binigyang diin naman ni Secretary Duque na kaya lamang naisama ang Taiwan sa travel ban ay dahil upang maprotektahan ang kalusugan at kaligtasan ng mga Pilipino.

YOU MIGHT ALSO LIKE