!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Ulan ng Bagyong Tisoy, ‘di sapat para maging sapat ang tubig hanggang tag-araw
By Michael Rogas - December 3, 2019 , 7:30 pm

Hindi pa rin sasapat ang ibinuhos na ulan na dala ng bagyong Tisoy para mapunan ang tubig na pangangailangan ng Metro Manila hanggang tag-araw.

Ito ang sinabi ni Richard Orindain, hydrologist ng PAGASA weather bureau.

Aniya, hindi sapat ang kasalukuyang 190.02 meters na tubig ng Angat Dam para sustentuhan ang suplay ng tubig ng mahigit 12 milyong Pilipino ng Metro Manila hanggang buwan ng Mayo 2020.

Ayon kay Orindain, kailangang magkaroon pa ng dalawa hanggang tatlong bagyo na may dalang malalakas na ulan tulad ni Tisoy, para maabot ang 212 meters normal level ng Angat Dam.

Pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na magtipid pa rin ng tubig dahil kulang ang dalang ulan ng bagyo.

Sa tala ng weather bureau, umabot ng lima hanggang pitong metro ang naitaas sa lebel ng tubig sa Angat Dam dahil sa bagyong Tisoy.

YOU MIGHT ALSO LIKE