98% ng PNP, bakunado na
By Leo Sarne - October 15, 2021 , 9:33 am

98.12 porsyento na ng kabuuang 222 libong tauhan ng PNP ang bakunado na, kung saan 80 porsyento o mahigit 189 na libo ang nakakumpleto na ng dalawang dose ng bakuna laban sa COVID-19.

Ito ang iniulat ni PNP Deputy Chief for Administration at Administrative Support to Covid 19 Operations Task Force (ASCOTF) Commander PLt. Gen. Joselito Vera Cruz.

Ayon kay Vera Cruz, ito ang malaking factor sa pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa kanilang hanay.

Sa datos ng PNP ASCOTF, nitong nakalipas na limang araw, mababa sa 100 ang naitatalang mga bagong kaso ng Covid-19 sa PNP kada araw.

Sa ngayon aniya ay 4,193 na lamang ang hindi pa nabakunahan sa kanilang hanay, na patuloy parin nilang hinihikayat.

YOU MIGHT ALSO LIKE