Aktibong kaso ng COVID-19 ng PNP, patuloy na bumababa
By Leo Sarne - January 20, 2022 , 11:41 am

Patuloy ang pagbaba ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP) na nasa 3,482 na lang ngayon mula sa 3,615 kahapon.

Ito’y matapos na makapagtala ang PNP Health Service ng mas maraming nakarekober sa sakit sa kanilang hanay kaysa sa mga iniuulat na bagong kaso sa pangatlong sunod na araw mula noong Lunes.

Ngayong araw ay 482 ang iniulat na nakarekober habang 349 naman ang bagong kaso.

Matatandaan na nitong Lunes, nasa mahigit 4,000 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa tala ng PNP.

Mula nang magsimula ang pandemya, 46,543 na ang kabuuang bilang ng mga tauhan ng PNP na tinamaan ng COVID-19, kung saan 42,935 ang nakarekober at 126 ang nasawi.

YOU MIGHT ALSO LIKE