Dalawa arestado sa buy-bust sa Caloocan, mahigit P300K halaga ng shabu, nasabat
By Jesson Tamondong - October 19, 2021 , 9:18 am

Arestado ang dalawang tulak umano ng iligal na droga sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Caloocan City PNP sa Langka Street, Brgy. 178, lungsod ng Caloocan.

Kinilala ang mga suspek na sina Victor Alferez Jr. 21 anyos
at Zaldy Geroso, 38 anyos.

Ayon sa mga pulis nakatanggap sila ng tip mula sa isang informant ukol sa iligal na operasyon ng mga suspek.

Agad na inaresto ang dalawa matapos tumimbre ang pulis na nagpanggap na buyer na positibo ang naging bentahan ng iligal na droga.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang ginamit na buy-bust money at anim na sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 45 gramo at street value na P306,000.00.

Kakasuhan ang dalawa ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

YOU MIGHT ALSO LIKE