!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Davao del Sur Gov. Cagas, iniutos ang agarang paghuli sa nagpapakalat ng fake news ukol sa lindol 
By Macel Mamon Dasalla | RP1 Davao - October 22, 2019 , 9:41 am

Iniutos ngayon ni Davao del Sur Governor Douglas Cagas ang agarang pag-aresto sa sinumang may akda ng fake news sa social media ukol sa lindol o tsunami.

Nagbanta rin ito na mahaharap sa kaukulang kaso ang mahuhuling nagpapakalat ng fake news gamit ang social media.

Aniya, maituturing itong isang cybercrime at alarm and scandal lalo pa at magdudulot ito ng kalituhan sa taongbayan.

Kaugnay nito, hinikayat ng gobernador ang mga kapulisan at militar na hulihin ang responsable sa paggawa ng maling balita na magiging ugat ng pangamba at pagpanick sa mga tao.

YOU MIGHT ALSO LIKE