Emergency quarantine facility sa Camp Aguinaldo, binuksan na
By Leo Sarne - April 9, 2020 , 2:46 pm

Binuksan na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang emergency quarantine facility (EQF) sa Camp Aguinaldo ngayong umaga.

Ang pagpapasinaya ng pasilidad ay pinangunahan ni AFP Vice Chief of Staff, Vice Admiral Gaudencio Collado Jr. kasama ang mga kinatawan ng WTA Architecture and Design Studio sa pangunguna ni Architect William Ti.

Ang EQF ay itinayo ng AFP Engineering Brigade mula sa mga donasyong nalikom ng WTA Architecture and Design Studio, na siyang nag-initiate at nagdisenyo ng proyekto.

Nagkakahalaga ng P350,000 ang bawat isang “medically approved” EQF na gawa sa “light materials” at may 15 kama, na kanyang itinayo sa loob lang ng tatlo hanggang limang araw.

Ang EQF sa Camp Aguinaldo na ilalaan para sa mga mild at asymptomatoc COVID-19 patients ay pangangasiwaan ng Camp General Emilio Aguinaldo Station Hospital (CGEASH).

Bukod sa Camp Aguinaldo station hospital, nakaplano ding magtayo ng EQF sa Army General Hospital, V. Luna General Hospital, Air Force Hospital, Cavite Naval Hospital, Headquarters Support Group Philippine Army, Naval Air Wing, Joint Task Force-NCR, Fernando Airbase Hospital, at Manila Naval Hospital mula sa mga malilikom na donasyon ng WTA Architecture and Design Studio.

Nagpasalamat naman si VAdm. Collado sa tulong ng pribadong sektor sa pagtatayo ng mga EQF na aniya’y malaking ambag tungo sa pagkapanalo ng bansa sa giyera kontra sa COVID-19.

Photos courtesy of AFP

YOU MIGHT ALSO LIKE