Aabot sa P5,157, 800 ang halaga ng iligal na droga ang nasabat ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Quezon City Police District (QCPD)at Bureau of Customs (BOC) sa Quezon City kagabi.
Sa inisyal na report ng PDEA, humigit-kumulang sa 3,034 piraso ng ecstacy tablets ang nakumpiska sa isinagawang Controlled Delivery Operation sa bahagi ng Philand Drive, Pasong Tamo, Tandang Sora.
Nahuli din ang dalawang babaeng may bitbit ng iligal na droga na sina Evelyn Sotto,na kilala din sa pangalang Jennica Abas at kasamahang si Genevie Abas na kapwa nakatira sa #66 Agno St., Bgy. Tatalon, QC.
Bago nadiskubre ang mga iligal na droga, may impormasyong natanggap ang PDEA mula sa Shenzen Chinese Customs tungkol sa package mula sa Netherlands na naglalaman ng iligal na droga.
Noong isailalim sa pagsusuri, ilang suspected ecstacy tablets ang nakitang nakatago sa interlayer ng cardboard ng package.
Dahil dito, agad ikinasa ng mga awtoridad ang controlled delivery operation at nahuli ang dalawang babae at nabawi ang ilegal na droga.