Hindi pagpapabakuna, walang epekto sa promosyon ng mga pulis
By Leo Sarne - December 7, 2021 , 10:39 am

Hindi apektado ang promosyon ng mga pulis na ayaw magpabakuna.

Ito ang nilinaw ni Philippine National Police (PNP) Chief General Dionardo Carlos kaugnay ng kanilang ipinatutupad na “No jab, no duty” policy.

Giit ni Carlos, hindi requirement para sa promosyon ang pagpapabakuna kaya walang kinalaman dito ang “No jab, no duty” policy.

Paliwanag ng PNP chief, sa ilalim ng bagong patakaran, sisikapin lang nilang magkaroon ng kontribusyon ang PNP personnel na hindi bakunado sa ibang pamamaraan na mas ligtas sa kanila.

Kasama rito ang paglilipat sa kanila sa “low risk” na trabaho tulad ng pagbibigay sa kanila ng administrative work.

Ayon kay PNP Health Service Director Police Brigadier General Luisito Magnaye, 1,808 tauhan na lang ng PNP ang hindi bakunado.

Nasa 299 ang may medical reason, 194 ang nagsabing dahil sa allergies, 393 ang buntis, 63 ang kapapanganak pa lang, 69 ang tumatanggi dahil sa
religious beliefs, siyam ang under quarantine, habang ang nalalabi ay walang nabigay na konkretong dahilan.

YOU MIGHT ALSO LIKE