Kasunduan sa joint investigation ng PNP at NBI sa mga nasawi sa drug war, pinag-aaralan na ng PNP
By Leo Sarne - October 19, 2021 , 9:38 am

Pinag-aaralan na ng PNP ang draft ng Memorandum of Ageeement (MOA) para sa joint investigation ng PNP at National Bureau of Investigation (NBI) sa mga kaso ng pagkamatay sa giyera kontra droga.

Ayon kay PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar, ang draft ng MOA na binuo ng Department of Justice (DOJ) ay ipinadala sa kanila noong Oktubre 15.

Sinabi ni Eleazar na pagkatapos ng review ay malalagdaan na ang MOA at masisimulan na ang pagtukoy at case build up laban sa mga pulis na umabuso sa kanilang kapangyarihan sa pagpapatupad ng kampanya kontra droga.

Una rito, ay natapos nang i-review ng DOJ ang isinumite ng PNP na 52 case folders ng mga police operations kung saan may mga nasawi, na kinasasangkutan ng 150 pulis.

YOU MIGHT ALSO LIKE