Malinaw na patakaran sa Barangay Health Pass para sa mga di bakunado, hinihintay ng PNP
By Leo Sarne - January 21, 2022 , 1:07 pm

Naghihintay ang Philippine National Police (PNP) ng malinaw na patakaran kaugnay ng planong Barangay Health Pass para sa mga hindi bakunado kontra COVID-19.

Ito ay sa harap na rin nang ipinatutupad na exemptions sa No Vaccination, No Ride policy ng Department of Transportation (DOTr).

Ayon kay PNP Chief General Dionardo Carlos, nais nilang malaman ang specific guidelines sa paggamit ng health pass ng mga hindi bakunadong pasahero.

Sinabi ni Carlos na ang Health Pass system ay epektibong paraan para ma-justify ang paglabas at pagsakay sa pampublikong sasakyan ng mga hindi bakunadong indibidwal para bumili ng essential goods o di kaya ay mag-avail ng essential services.

Pero dapat aniyang may malinaw na instruction sa pagpapatupad nito para hindi malito ang mga pulis.

Kaugnay nito inhayag ng PNP chief na marami na silang natatangap na reports kaugnay sa pamemeke ng mga vaccination cards simula nang ipatupad ang No Vaccination, No Ride policy kaya kailangan aniyang may malinaw na guidelines para dito.

YOU MIGHT ALSO LIKE