Mga naaresto sa paglabag sa gun ban, 242 na
By Leo Sarne - January 21, 2022 , 3:29 pm

Umakyat na sa 242 ang bilang ng mga naaresto sa buong bansa dahil sa paglabag sa election gun ban.

Batay ito sa datos ng Philippine National Police (PNP) ngayong araw, kung saan 20 ang iniulat na nahuli kahapon kabilang ang isang sundalo.

Nagmula ang mga ito sa National Capital Region (NCR), Ilocos, Central Luzon, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas at Zamboanga Peninsula.

Nakumpiska sa kanila ang 14 baril, 4 deadly weapons at 116 na mga bala.

Umabot naman sa 38,279 ang isinagawang checkpoint sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa pagpapatupad ng gun ban.

YOU MIGHT ALSO LIKE