Mga operatiba na nakasabat ng 262 milyong halaga ng shabu sa Angeles, pinuri ni Eleazar
By Leo Sarne - October 19, 2021 , 9:31 am

Pinapurihan ni PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar ang mga operatiba sa matagumpay na joint operation na nagresulta sa pagkakasabat ng 38 kilo ng shabu na nagkakahalag ng 262 milyong sa Angeles, Pampanga kahapon.

Ayon sa PNP Chief, ang buy-bust operation ay isa nanamang matagumpay na pagtutulungan ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG); Philippine Drug Enforcement Agenecy (PDEA), Armed Forces of the Philippines (AFP); National Intelligence Coordinating Agency (NICA); at Bureau of Customs (BOC).

Sa naturang operasyon, apat na Chinese drug suspeks ang nasawi matapos na makipagpalitan ng putok sa mga awtoridad nang tinangka silang arestohin.

Kinilala ang mga ito na sina: Erbo Ke, 34, ng Quanzhou City, Fujian, China; Cai Ya Bing, 29, ng Yuncheng  City, Shanxi, China; Huang Guidong, 43, ng Zhang Zhou, Fujian  China; at Wuyuan Shen, 41,  ng Zhang Zhou, Fujian, China.

Ayon kay Eleazar, ang mga suspek ay kilalang distributors ng iligal na droga sa National Capital Region at Region 4-A, na may kaugnayan kay Basher Bangon, ang druglord na namatay sa pakikipagbarilan sa mga ahente ng PDEA noong Setymebre 9 sa Cavite.

YOU MIGHT ALSO LIKE