!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
P1.1M halaga ng shabu, naharang ng Task Force Davao
By Armando Fenequito - October 22, 2019 , 10:16 am

Naharang sa checkpoint ng Task Force Davao ang pagpasok ng P1.1 milyon na halaga ng ilegal na droga sa Davao City, na dala ng isang 37 anyos na lalaki, Lunes ng hapon.

Kinilala ni Task Force Davao commander Colonel Consolito Yecla ang suspek na si Aiveen Rey Alimpoos, na taga Barangay Sasa, Davao City.

Ayon kay Yecla, dumaan diumano ang suspek sa checkpoint sa Barangay Sirawan, Toril, ala-1:40 ng hapon sakay ang kanyang motorsiklo.

Nang mapansin ng isa sa mga personahe na tila balisa at meron pang itinapon na bagay si Alimpoos, agad na tumawag ito ng alalay mula sa Toril Police Station kung saan nagtangka pa itong pumalag.

Nakuha mula kay Alimpoos ang 17 sachet ng shabu na tinimbang na 69.79 gramo.

Nakapiit na ngayon ang suspek sa Toril Police Station, kung saan haharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

YOU MIGHT ALSO LIKE