!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
P1.1M halaga ng shabu, nasakote sa Davao City
By Dang Sabdani-Jumala - October 22, 2019 , 11:29 am

Arestado ng pinagsanib na puwersa ng Task Force Davao at Philippine National Police (PNP) ang isang suspek na may dalang 69.79 gramo ng hinihinalang shabu, na may street value na P1.116 million, Lunes, October 21.

Nabatid kay Colonel Consolito Yecla, commander ng Task Force Davao, na ang suspek na si Aiveen Rey Alimpoos, 37 taong gulang, residente ng Km 12, Balinao Site, Sasa, Davao City, ay nahulihan ng awtoridad ng 17 maliliit na sachets ng shabu.

Aniya, sakay ng kanyang itim na motorsiklo na may plate no. 6723 ang suspek ng masakote.

Nagsuspetsa aniya ang isa sa kanyang tauhan ng hindi mapakali ang suspek at may itinapon sa lupa habang papalapit sa checkpoint. Kaya humingi na ito ng tulong sa police on duty. Nagtangka pa umanong manlaban sa mga operatiba ang suspek hanggang sa sumuko din ito.

Bunsod nito muling nanawagan si Yecla sa publiko, na agad ipaalam sa awtoridad kung may mga kaduda-duda silang nakikita na kilos ng mga indibidwal o grupo sa kanilang komunidad.

Agad din na turn-over sa Toril Police Station ang nahuling iligal na droga, habang inihahahanda na ngayon ang kasong kriminal laban sa suspek, dahil sa paglabag sa section 5 at 11 ng RA 9165.

Mula Marso ngayong taon, nasa 242.92 gramo na ng hinihinalang shabu na may halagang mahigit sa tatlong milyong piso ang nasakote ng TF Davao.

YOU MIGHT ALSO LIKE