Pagkakasabat ng 1.6 bilyong pisong halaga ng shabu sa Cavite, pinapurihan ni PNP Chief Eleazar
By Leo Sarne - October 18, 2021 , 8:50 am

Pinuri ni PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar ang mahusay na koordinasyon sa pagitan ng Philippine National Police, Philippine Drug Enforcement Agency at mga intelligence agencies na nagresulta sa pagkakasabat ng 240 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng 1.6 na bilyong piso nitong Sabado.

Sa isinagawang buy bust operation sa Barangay Salitran 2, Aguinaldo Highway Dasmariñas City, Cavite, narekober ang droga mula sa dalawang arestadong suspek.

Kinilala ang mga ito na sina Wilfredo Blanco at Megan Lemon Pedroro, kapwa residente ng Montalban, Rizal.

Ayon sa PNP Chief, ang matagumpay na operasyon ay bahagi ng serye ng anti-drug operations na nagsimula sa pagkakakumpiska ng P3.4 bilyong pisong halaga ng shabu sa Zambales at 1 bilyong pisong halaga ng droga sa follow up operation sa Bataan at Cavite.

Ang naturang 3 magkakasunod na operasyon noong nakaraang buwan ay bunga ng koordinasyon ng PNP, Bureau of Customs (BOC), National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at Armed Forces of the Philippines (AFP), na pinangunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

YOU MIGHT ALSO LIKE