Patrol cars ng PNP, magsasakay ng mga stranded na pasahero
By Leo Sarne - June 2, 2020 , 11:28 am

Inatasan ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Archie Francisco Gamboa ang mga local Police commander, na gamitin ang kanilang mga naka-standby na mobile patrol para magsakay ng mga stranded na pasahero.

Ito ay sa gitna ng kakulangan sa pampublikong sasakyan, sa pagpapahintulot na bumalik sa trabaho ang mas maraming manggagawa sa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

Ayon sa PNP chief, prayoridad na maisakay ang mga babae, buntis, at mga senior citizen na may essential travel o transaksyon sa labas.

Bukod pa ito sa libreng sakay, na ipinagkakaloob ng PNP sa health workers gamit ang kanilang mga truck.

Sa kasalukuyan, anim na truck ng PNP na ang bumibiyahe sa kahabaan ng EDSA, upang maghatid ng mga pasahero gaya ng health at essential workers na walang masakyan papunta at pauwi mula sa trabaho.

YOU MIGHT ALSO LIKE