!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
PNP Assumption of Command Ceremony sa Oktubre 29, ipinagpaliban 
By Leo Sarne - October 22, 2019 , 6:02 am

Inanunsyo ng PNP-Public Information Office (PIO) na ipinagpaliban sa hindi pa itinakdang araw ang “Assumption of Command Ceremony” ng PNP na orihinal na itinakda sa Oktubre 29.

Ang naturang seremonya ay nakatakda sanang pangunahan ng Pangulong Duterte para pormal na iluklok ang incoming PNP Chief kapalit ni General Oscar Albayde na naka non-duty status at magreretiro sa araw na yun.

Walang ibinigay na dahilan ang PIO sa pagpapaliban sa naturang aktibidad.

Nauna rito, may memo na inilabas ang PNP-Headquarters Support Service (HSS) na may petsang Oktubre 16, na nagtakda ng “Assumption of Command Ceremony” sa Oktubre 29, kung saan nakasaad na si PNP Officer in Charge Lt. Gen. Archie Gamboa ang “incoming PNP Chief”.

Nilinaw naman ni PNP Spokesperson Brig. Gen Bernard Banac na wala pang napipiling incoming PNP Chief ang Pangulo.

Paliwanag ni Banac, ang memo ay maaring para lang sa paghahanda sa naturang seremonya at dahil sa kasalukuyang OIC si Gamboa, ay pangalan niya ang inilagay.

YOU MIGHT ALSO LIKE