Police power ng gobyerno, maaaring igiit sa pagpapatupad ng ‘no vaccination, no ride’ policy
By Nimfa Asuncion - January 21, 2022 , 10:50 am

Para kay Senate Minority Leader Franklin Drilon maaaring igiit ng pamahalaan ang state police power nito para ipatupad ang ‘no vaccination, no ride’ policy. 

Ayon kay Drilon ang police power ng gobyerno ay nakasaad sa ating 1987 Constitution. 

Dagdag pa ng mambabatas, ang police power na ito ng national government na protektahan ang kapakanan ng nakararami ay maaari ring ipatupad ng mga lokal na pamahalaan.

Kaya naman payo niya sa mga tutol sa naturang polisiya, iakyat ang isyu sa Korte Suprema. 

Pinunto pa ng senador na maging ang ibang mga democratic na bansa ay hindi pa rin nareresolba ang isyu ng pagmamandato ng pagbabakuna sa mga nasasakupan nito. 

YOU MIGHT ALSO LIKE