Unang araw ng motorcycle back-riding policy, naging maayos
By Leo Sarne - July 11, 2020 , 10:59 am

Iniulat ni PNP Deputy Chief for Operations at Joint Task Force COVID Shield Commander Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar na naging maayos ang unang araw nang pagpapatupad ng motorcyle back-riding policy.

Kahapon naging epektibo ang pagpapahintulot ng gobyerno ng pag-aangkas sa motorisklo ng mga mag-asawa o live-in partners.

Ayon kay Eleazar wala silang natanggap na ulat ng anumang major untoward incident kahapon.

Pero marami aniyang reports kahapon ng pagpupumilit ng mga nakamotorsiklo na dumaan sa Quarantine Control Points nang hindi nag-oobserba ng minimum health at safety equipment.

Mayroong inaprubahan ang IATF na “protective shield” na mag-hihiwalay sa driver at back-rider.

Panawagan naman ni Eleazar sa mga nagmomotorsiklo na sumunod sa mga ipinatutupad na polisiya dahil ito ay para na rin makaiwas sa pagkahawa ng COVID -19.

YOU MIGHT ALSO LIKE