!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
2-yr. probation period ng mga manggagawa, labag sa layunin na matigil ang kontraktwalisasyon
By Nimfa Asuncion - October 22, 2019 , 9:30 am

Nagkakaisa ang mga senador sa pagtutol sa panukalang pahabain sa dalawang taon ang probation period ng mga manggagawa imbes na sa kasalukuyang anim na buwan lamang.

Sa isang pahayag, sinabi ni Senate President Vicente Sotto III at Labor Committee Chairperson, Senador Joel Villanueva, na taliwas ito sa isinusulong na matanggal na ang kontraktwalisasyon sa bansa.

Dagdag pa ni Villanueva, madedehado lamang nito ang mga manggagawa kaya naman hinihikayat ng senador ang Department of Labor and Employment (DOLE) na tapusin na ang pagbalangkas ng kanilang bersyon ng Security of Tenure Bill.

Ayon naman kay Senator Imee Marcos, na pahirap ito sa manggagawa at dapat ay manatili lamang sa tatlo hanggang anim na buwan ang probation period sa mga empleyado.

Sinabi naman ni Senator Francis Pangilinan, na kapag pinahaba pa ang probation period ay tuluyan nang hindi mararamdaman ng mga manggagawa ang karapatan sa security of tenure na nakasaad sa ating konstitusyon.

Samantalang si Senator Sonny Angara naman ay sinabing bagamat maaari itong ikonsidera sa ilang karerang kailangan ng mas kumplikadong skills at training, dapat pa ring maging maingat sa pagkonsidera nito upang hindi maabuso ang mga manggagawa.

YOU MIGHT ALSO LIKE