Health protocols, nalalabag na sa kampanya — Comelec
By Lorenz Tanjoco - December 6, 2021 , 4:09 pm

Nitong Lunes ay sinabi ng Commission on Elections (Comelec), na ang inaprubahan nitong alituntunin ukol sa pagsasagawa ng in-person campaign at rallies ay epektibo pagsapit pa ng Pebrero.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, na hindi nasusunod ang mga health protocol sa gitna ng COVID-19 pandemic, sa paglilibot ng ilang mga kandidato para sa Halalan 2022 sa mga probinsya.

Sinabi rin ng tagapagsalita ng poll body, na ang Department of the Interior and Local Government (DILG), ang nakatalagang bantayan ang election-related activities sa labas ng campaign period.

Nitong Nobyembre, inanunsyo ng Comelec, na ituturing na election offenses ang mga paglabag sa safety protocols sa gitna ng COVID-19 pandemic, sa pagsasagawa ng pangangampanya para sa gaganaping halalan sa Mayo 9, 2022.

Kahit na mga taga-suporta ang nag-organisa ng mga aktibidad, nilinaw ni Jimenez, na posibleng ang mga kandidato ang managot sakaling mapatunayang may paglabag sa health protocols.

YOU MIGHT ALSO LIKE