!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Kabuuang delegasyon sa biyaheng Japan ni PRRD, anim lang
By Alvin Baltazar - October 22, 2019 , 9:52 am

Batay sa inilabas na listahan ng delegasyon para sa biyaheng Japan ni Pangulong Rodrigo Duterte, aabot lamang sa lima ang kasama dito.

Sa lima na bahagi ng delegasyon para sa pagdalo ng Pangulo sa enthronement ng bagong Emperor ng Japan, tanging si Chief Presidential Legal Counsel at Spokesperson Salvador Panelo lang ang Cabinet member.

Kasama din sa delegasyon si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, ganundin si Senador Bong Go at Special Envoy to Japan for Trade and Market Access na si dating House Speaker Sonny Belmonte.

Bahagi din ng delegasyon si Philippine Ambassador to Japan Jose Laurel V at Chief of Presidential Protocol and Presidential Assistant on Foreign Affairs Robert Borje.

Nakaalis kagabi ang Pangulo na nakatakdang dumalo mamaya sa enthronement ng bagong Emperor ng Japan na si Emperor Naruhito.

Babalik ng bansa ang Presidente sa Huwebes, October 24.

YOU MIGHT ALSO LIKE