!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Mga opisyal sa Mindanao, dapat paigtingin ang kahandaan sa kalamidad
By Kathleen Forbes - October 22, 2019 , 9:16 am

Hinimok ni Anak Mindanao Rep. Amihilda Sangcopan ang mga opisyal ng gobyerno sa Mindanao na paigtingin ang disaster preparedness at mitigation measures sa rehiyon.

Kasunod ito ng pagtama ng 6.3 magnitude na lindol sa North Cotabato at 5.3 magnitude sa Davao Oriental.

Ani Sangcopan, dapat ay dalasan ang pagsasagawa ng information drive at outreach education programs sa mga komunidad at eskwelahan tungkol sa kahandaan sa iba’t ibang kalamidad.

Naniniwala ang kinatawan, na kung mapapalakas ang kampanya sa disaster preparedness sa publiko ay mababawasan ang pinsalang dulot ng kalamidad.

Iminungkahi din ng kongresista, na magsagawa ng regular fire at earthquake drills sa mga eskwelahan at opisina, at pagpapatupad ng ilang flood control measures tulad ng tree planting at solid waste management bilang bahagi ng mitigation plan.

YOU MIGHT ALSO LIKE