Pag-urong ni Sen. Bong Go sa Presidential race, nirerespeto ni Pangulong Duterte
By Alvin Baltazar - December 3, 2021 , 9:12 pm

Iginagalang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naging pasya kamakailan ni Senator Bong Go, na huwag ng tumuloy sa pagtakbo sa pagka Pangulo.

Ayon sa Pangulo, wala na siyang magagawa pa sa naging desisyon ng kanyang naging long-time trusted aide, lalo na at pamilya ang rason sa likod ng pag-urong nito sa kanyang kandidatura.

Kanya aniya itong nirerespeto at wala na siyang magagawa pa sa naging hakbang ni Senator Go.

Kaugnay nito ay inihayag ng chief executive, na mas marami ang nalungkot kaysa sa natuwa sa naging pag-atras ng senator, na nag-anunsiyo ng kanyang desisyon nitong nagdaang Martes.

Wala namang nabanggit pa ang presidente sa kung kaninong presidentiables ngayon, ipagkakaloob niya ang kanyang suporta.

YOU MIGHT ALSO LIKE