Tatlong malalaking venue ang tinitingnan ng Commission on Elections (Comelec) para sa pagdaraos ng debate sa mga kandidato sa pagka-presidente at bise presidente sa 2022 national elections.
Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, pinag-aaralan din na magdaos ng debate sa Visayas at Mindanao pero depende pa rin ito sa sitwayon ng COVID sa bansa.
Samantala, maliban sa mga taga-media ay pagbabawalan na rin ang live audience sa mga ikakasang debate.
Sinusuri na rin ang pagkakaroon ng platform o lugar na pagtatayuan ng mga kandidato, para ligtas silang makasasagot sa mga isyu, kahit walang suot na face mask.