Pagpapanatili ng Alert Level 2 sa NCR hanggang Enero, iminungkahi
By Kathleen Forbes - December 6, 2021 , 9:19 pm

Iminungkahi ni BHW Party-list Representative Angelica Natasha Co, na panatilihin ang kasalukuyang lockdown level hanggang Enero ng susunod na taon.

Sa gitna pa rin ito ng banta ng bagong variant ng COVID-19 na Omicron.

Ayon sa kinatawan, mula ngayong buwan ng Disyembre hanggang Enero 15, ay huwag dapat alisin ang umiiral na alert levels sa buong bansa partikular na dito sa National Capital Region (NCR), na nasa Alert Level 2.

Paliwanag ng mambabatas, mapa-Delta o Omicron man ay dapat paghandaan ang posibleng surge, bunsod na rin ng pagsasalo-salo at handaan dahil sa holiday season, at dahil sa epektibo ang ipinapatupad na alert levels ay mainam na panatilihin muna ito.

Suhestiyon pa ng mambabatas, ipagbawal na muna ang mga hindi bakunado kontra COVID-19 sa mga high risk area tulad ng airports, seaports, hotels, at closed areas na mga restaurant at malls.

YOU MIGHT ALSO LIKE