Palasyo, committed na tuldukan ang terorismo
By Racquel Bayan - July 4, 2020 , 7:19 am

Sinasalamin sa paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Republic Act 11479 o Anti Terrorism Act of 2020 ang commitment ng pamahalaan na tuldukan ang terorismo sa bansa na matagal nang nagdudulot ng takot at pighati sa mga Pilipino.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ang terorismo ay maaaring umatake kahit saan at kahit kailan.

Ito aniya ang dahilan kung bakit nangangailangan ng komprehensibong pagtugon sa paglaban dito at sa banta na dala nito.

Ayon sa kalihim, pinag-aralang mabuti ni Pangulong Duterte at ng kaniyang legal team ang batas na ito, at ikinunsidera ang lahat ng opinyon at rekomendasyon ng iba’t ibang stakeholders bago ganap na isabatas ang Anti Terrorism Act.

Ayon kay Secretary Roque, sama-sama dapat ang lahat ng Pilipino na talunin ang terorismo at gawing ligtas at secure ang ating mga komunidad alinsunod sa rule of law.

YOU MIGHT ALSO LIKE