Panibagong petisyon vs Marcos presidency, inihain sa Comelec
By Lorenz Tanjoco - December 2, 2021 , 3:18 pm

May panibagong petisyon na naman na inihain sa Commission on Elections (Comelec), na layong ipa-disqualify ang kandidatura ni Presidential Aspirant Bongbong Marcos.

Ang petisyon ay inihain ng Akbayan Aksyon Citizens Party, dating Commission on Human Rights Chair Loretta Rosales, at iba pang indibidwal.

Ito na ang ika pitong petisyon na inihain sa Comelec, na layong maharang ang kandidatura sa pagka presidente ni Marcos.

Sa kanilang petisyon, iginigiit nila na dapat ay habang buhay ng hindi makatakbo sa halalan si Marcos dahil sa naging conviction rito sa tax evasion noong 1995.

Ang tax evasion ay kabilang umano sa krimen na sangkot ang moral turpitude.

YOU MIGHT ALSO LIKE