Panukala para sa P5-B ayuda para sa OFWs, lusot na sa komite sa Kamara
By Kathleen Jean Forbes - May 25, 2020 , 4:15 pm

Inaprubahan ng House Committee on Overseas Workers Affairs ang unnumbered consolidated bill na layong maglaan ng P5-billion na assistance fund program para sa mga OFW na apektado ng COVID-19.

Kabilang sa assistance program ang repatriation, medical expense voucher na valid hanggang anim na buwan mula nang pag-dating nito sa bansa, migration fees para sa mga overstaying na Pilipino, legal assistance, at iba pang basic na pangangailangan nila.

Pinasusumite naman ng komite ang DOLE, DFA at OWWA ng listahan ng kinakailangan nilang dagdag pondo para matugunan ang mga uuwi pang OFW.

Inaasahan kasi na may dagdag pang 200,000 na OFW na apektado ng COVID-19 crisis ang magbabalik bansa hanggang sa buwan ng Agosto.

Nais rin ni House Committee on Labor and Employment Chair Rep. Enrico Pineda Jr. na magsumite ang DOLE ng kongkreto at long term na plano tulad ng work-reintegration at livelihood programs para sa mga uuwing OFW sa bansa.

YOU MIGHT ALSO LIKE