Prepositioning ng medical supplies at pagpapalakas ng brgy health units, ipinanawagan
By Kathleen Forbes - December 2, 2021 , 3:01 pm

Habang maaga pa lamang dapat nang palakasin ang mga barangay health unit laban sa bagong Omicron variant at patuloy din banta ng Delta variant. 

Ayon kay BHW Party-list Representative Angelica Natasha Co, dapat ay mag preposition na ng medical equipment, supplies, personnel, at aid packages sa high risk barangays at ospital, bunsod na rin ng Omicron variant. 

Dapat naman aniyang sabayan ng pinaigting na COVID-19 testing at vaccination ang lockdown alert policy, na kinakitaan naman ng magandang epekto. 

Dagdag naman ng kinatawan, na damihan ang suplay ng Moderna, Pfizer at single shot na Johnson and Johnson, para mabakunahan ang high risk contact sector o mas lantad sa Omicron variant tulad ng hotels, airports at transport sector. 

YOU MIGHT ALSO LIKE