!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
PRO XI, tatanggapin ng maayos ang mga presong susuko na nakalaya sa GCTA
By Armando Fenequito - September 21, 2019 , 11:40 am

Handa pa ring tulungan ng Police Regional Office (PRO) 11 ang mga presong nakalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) na makabalik ng piitan ng ligtas sa kabila ng pagkatapos na ultimatum ni  Pangulong Rodrigo Duterte noong Setyembrer 19.

Inihayag ni PRO XI Regional Director Police Brig. Gen. Marcelo Morales, bukas pa rin ang mga station ng kapulisan sa buong Davao Region para sa mga nagnanais sumukong mga henious crime convict na napalaya dahil sa GCTA.

Sa tala ng kapulisan, may 17 mga preso na ang sumuko sa mga himpilan ng kapulisan, samantalang 20 na ang bumalik sa Davao Prison and Penal Farm sa Davao del Norte.

Sa ngayon, nasa 39 pa ang nakalayang preso ang hahanapin ng mga tracker team para maibalik ang mga ito sa piitan, kung saan hinihintay pa ang direktiba mula sa kanilang national headquarters para sa manhunt operation.

Babala ni Morales, kapag manlaban ang naturang mga convict sa kanilang operasyon, hindi di umanong mag-aatubili ang mga pulis na dumipensa para  na rin sa kanilang kaligtasan.

Pero siniguro naman ng naturang  opisyal na itatrato ng may respeto ang mga convict na susuko ng matiwasay sa kanila.

YOU MIGHT ALSO LIKE