Sen. Go: Masyado pang maaga para sabihing pababa na ang trend sa bagong COVID-19 cases sa bansa
By Nimfa Asuncion - January 26, 2022 , 5:55 pm

Nagpaalala si Senate Committee on Health Chairperson Senator Christopher ‘Bong’ Go sa taumbayan, na huwag munang magpakakumpiyansa sa kabila ng unti-unting pagbaba ng bilang ng COVID-19 cases sa bansa. 

Ginawa ng senator ang pahayag matapos maitala kahapon ang higit 17,000 na bagong COVID cases, mas mababa sa mga naitatalang daily cases mula nitong nagsimula ang surge dahil sa Omicron variant. 

Pero ayon kay Go, maaga pa para sabihin na pababa na ang trend sa mga bagong kaso sa bansa. 

Gayunpaman, umaasa ang senator na sana nga ay hindi na masyadong manalasa ang Omicron variant, lalo na at higit 58 milyong Pilipino na ang fully vaccinated. 

Kaugnay nito, patuloy na nananawagan ang mambabatas sa mga kuwalipikadong mamamayan na magpabakuna na, at palaging sundin ang mga itinakdang health protocols bilang proteksyon sa sarili at sa ating mga mahal sa buhay.

Aniya, sa ating patuloy na pakikipagtulungan at pakikiisa sa pamahalaan ay malalampasan natin ang krisis na ito bilang isang mas matatag na bansa.

YOU MIGHT ALSO LIKE